P65M piniratang DVD nasamsam sa Davao City

AABOT sa P65 milyon halaga ng mga piniratang CD at DVD ang nasamsam sa magkakasabay na inspeksyon at raid sa iba-ibang stall sa Davao City nitong Huwebes.

Nakumpiska sa operasyon ang aabotsa 443 sako ng mga pekeng movie at soundtrack discs, sabi ni Chief Insp. Milgrace Driz, tagapagsalita ng Southern Mindanao regional police.

Sinalakay ng mga tauhan ng city police at Optical Media Board ang iba-ibang stall at tindahan dakong alas-2:30 ng hapon.

Dinala ang mga nakumpiskang kontrabando sa Davao City Police Office, at nakatakdang dalhin sa punong tanggapan ng OMB sa Maynila, ani Driz.

Bago ang operasyon, lumagda sina Davao City Police director Senior Supt. Alexander Tagum at OMB chairman Atty. Anselmo Adriano ng memorandum of agreement para sa tuluy-tuloy na pagpigil sa pagkalat ng pirated music at film discs sa lungsod.

Ayon kay Chief Supt. Marcelo Morales, regional police chief, palalakasin ang operasyon kontra piracy di lang sa Davao City, kundi pati sa iba pang bahagi ng rehiyon.

Read more...