MRT nagkaaberya; 750 pasahero pinababa

NAGKAABERYA ang isang tren ng Metro Rail Transit (MRT) kung saan pinababa ang may 750 pasahero nang masira ang sinasakyan nilang tren Huwebes ng gabi.

Sa isang advisory ng Department of Transportation-MRT3, sinabi nito na nagkaroon ng electrical failure sa makina ang tren alas-9:45 ng gabi.

Pinababa ang mga pasahero sa northbound station ng Buendia.

Ang mga pasaherong pinababa ay nakasakay sa sumunod na tren na dumating makalipas ang halos kalahating oras.

Posibleng ang pagkasira ng tren ay sanhi ng mga lumang electrical sub-components nito.

Humingi ng paumanhin ang DoTr-MRT sa mga naabala.

Read more...