Vina gusto pang mabuntis, nag-save na ng egg cell | Bandera

Vina gusto pang mabuntis, nag-save na ng egg cell

Ervin Santiago |September 07,2018
facebook
share this

Vina gusto pang mabuntis, nag-save na ng egg cell

Ervin Santiago - September 07, 2018 - 12:55 AM

SHAINA MAGDAYAO, SHEILA MAGDAYAO, VINA MORALES AT SHERYLL MAGDAYAO

GUSTO pang mabuntis at manganak ni Vina Morales para magkaroon ng kapatid ang panganay niyang si Ceana.
Feeling ni Vina at 40 something, kering-keri pa niyang manganak pero kung sakali mang hindi pa rin niya matagpuan ang lalaking muling magpapatibok ng kanyang puso, open naman siyang sumailalim sa “scientific process” ng pagbubuntis at panganganak.

Sa katunayan, inamin niyang nagpa-freeze na siya ng kanyang eggs for future use. Ito ‘yung tinatawag na “mature oocyte cryopreservation”, kung saan kinokolekta ang egg cell ng babae mula sa kanyang ovaries, pagkatapos ay ipo-frozen nang unfertilized at ise-save para sa in vitro fertilization.

Ayon kay Vina medyo may kamahalan ang nasabing proseso, “Kaya investment talaga kasi mahal siya.”
Nakachikahan namin ang Kapamilya actress na napapanood sa afternoon series na Araw-Gabi sa isang branch ng pag-aari niyang Ystilo Salon kung saan ibinalita rin niya ang mga bonggang offer para sa kanilang 20th anniversary.

“Suwerte nga ako, I was able to save seven, and healthy siya. Pero yung pangalawang try wala, hindi siya healthy,” dagdag pa ni Vina.

Hindi pa aware ang singer-actress sa eksaktong proseso nito, “Hindi ko pa masyadong inaaral, sa akin lang, I have to save. Ako, puwede pa naman ako (mabuntis), it’s just that, maybe in the future, basta at least meron akong na-save. Sa akin, gusto ko lang talaga may healthy eggs.”

Kuwento pa ni Vina, kinokondisyon na rin niya ang isip ni Ceana sa pagkakaroon n kapatid, “Oo, tapos sinasabihan ko na rin si Ceana na gusto ko na rin magka-baby. Kasi gusto ko nang iparamdam sa kanya na, you know, I also want to have another kid. Pinaparinig ko na sa kanya, kailangan mong ihanda yung mga bata, di ba? Siyempre nasanay na siya na siya lang for nine years. So nasanay na siya na lahat ng atensiyon ko nasa kanya.”

“Gusto ba niya? Tumatawa lang, hindi siya yung nagsasabi na, ‘Oo, Mommy, I want, I want.’ Hindi siya super excited. Mas gusto niya dog. Dalawa na nga, e, gusto pa ng isa, sabi ko, hindi muna,” natatawa pang pahayag ni Vina.

Pero hugot ng aktres sa kanyang lovelife, “Yun nga lang wala pa, wala pa akong partner, so tingnan natin.”

Inamin naman ng mommy ni Ceana na talagang nakakapagod at nakaka-stress ang role niya sa seryeng Araw-Gabi dahil nga parati siya ritong galit, nang-aaway at sumisigaw. Pero in fairness, talagang puring-puri ng manonood si Vina bilang si Celestina na sagad sa buto ang kasamaan sa kuwento.

“Ibang klase rin ‘yung effort and energy na kailangan mong ilabas para ma-maintain ‘yung character ni Celestina. Minsan nga ang hirap mag-detach kasi after gn taping ang taas pa rin ng energy ni Celestina. Pero ang saya, nakakatuwa ‘yung mga comments and feedbacks from the viewers,” pahayag ni Vina.

Samantala, siguradong matutuwa ang mga clients ng Ystilo Salon dahil sa inihanda nilang mga pasabog para sa ika-20 anibersaryo nito na meron na ring mahigit 20 branches sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas kabilang na ang bubuksan pa lang sa Sta. Lucia at Marquee Mall.

Nagsimula ang operasyon ng negosyo ni Vina at ng kanyang mga kapatid na sina Shaina, Sheila at Sheryll Magdayao noong August, 1999.

“Teamwork” at pagbibigay importansya sa mga customers ang sikreto kung bakit tumagal sila ng 20 years, ayon kay Vina. Narito ang maaari n’yong i-avail na promo sa Ystilo: 50% off on services from Sept. 18-20; 30% off (Sept. 8 to Oct. 31); at 20% off (Sept. 8 to Nov. 30).

In fairness, hands on daw talaga silang magkakapatid sa kanilang negosyo at kahit daw pagod na pagod na siya sa taping at iba pang showbiz commitments she makes sure na nabibisita pa rin niya ang kanilang mga branches.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayong anniversary month daw nila, personal siyang magtutungo sa ilan nilang brances para magpasalamat sa lahat ng mga sumusuporta sa kanilang negosyo sa loob ng 20 taon.
Sabi ko nga kay Vina, parang gusto na rin naming mag-franchise. Call lang kayo sa 927-7532 o 0917-3124210 o kaya’y mag-email sa [email protected].

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending