Away-bati nakakasawa na

By Beth Viaje September 07,2018
share this

Away-bati nakakasawa na

By Beth Viaje September 07,2018
share this

DEAR Ateng Beth,

May problema po ako sa love life ko ngayon, hirap ako maka-move on. Eto kasi ang story namin: hiwalayan-balikan system kasi ang aming relasyon.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na kaming naghiwalay. Tuwing mag-aaway kami, walang ibang option kundi maghiwalay, tapos kinabukasan ay magso-sorry na naman siya, kaya kami uli.

Dapat ko pa bang patawarin siya? Ilang ulit ko na siyang pinatawad pero hindi pa rin nagwo-work ang relation namin.

Ano po ang gagawin ko? Nalilito na ako. Ako po ang tumatayong stepfather ng anak niya. Marvin here of Hilongos, Leyte.

Magandang araw sa iyo, Marvin.

At alam mo ba Marvin, meron ka talagang problema diyan sa love life mo at sa pagdedesisyon ninyo.
Juice ko? Paano kung araw-araw na lang kayong mag-aaway, e, di araw-araw din na break?

Bakit hindi mo na lang siya awayin nang tuluyan para hindi na kayo magbabati at magkakabalikan pa?

At bakit ka naman nakikipagbati pa rin palagi kung ganun na kadalas yung break up ninyo?
Clearly kuya pareho kayong me kailangang resolbahin. Kung ang lagi nyong sagot sa away – ke maliit o higanteng isyu – ay pagwo-walk out sa relasyon, wala kayong mararating kundi higit na sakit at bitterness.

Bakit hindi ninyo upuan ang isyu? Bakit hindi kayo matutong makinig sa isa’t isa kaysa laging idepensa ang sarili.

Sa sulat mo, ikaw lagi nagpapatawad? So siya ang palaging mali o siya lang palagi ang nagpapakumbaba para maayos ang gusot ninyo?

Tapos ikaw ang laging tama at laging nagpapatawad, ganern? So sa takbo ng relasyon ninyo, di mo ba napi-feel na may utang na loob siya sa ‘yo dahil ikaw ay mabuti, mapagmahal at mapagpatawad na kinakalinga ang isang makasalanang tulad nya. Plus ikaw pa ang stepfather ng kanyang anak.

Sorry kuya ha, pero ikaw na lalaki ang siyang dapat magresolba ng inyong isyu.

Ikaw ang dapat mag-ayos ng inyong away. Ngayon kung hindi mo nga kayang ayusin e di tuluyan mo na siyang pakawalan dahil hindi niya deserve ang isang mapagpatawad na tulad mo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending