Laundry shop di nagbabayad ng SSS ng empleyado | Bandera

Laundry shop di nagbabayad ng SSS ng empleyado

Liza Soriano |September 07,2018
facebook
share this

Laundry shop di nagbabayad ng SSS ng empleyado

Liza Soriano - September 07, 2018 - 12:10 AM

HI, magandang umaga po sa inyo. Sana matulungan n’yo po kami. Magdadalawang taon na po akong nagtatrabaho sa isang laundry shop. Wala pong SSS, PhilHealth, tapos P300 a day ang sweldo at eight hours and duty. Sa part ko po, 12 hours ang duty ko.
Pwede ninyo po ba sila kalampagin na hindi mababanggit ang pangalan ko? Sana matulungan nyo po ako. Salamat po.

REPLY: Ito po ay bilang tugon sa inyong email kung saan nabanggit ninyo na halos dalawang taon na kayong nagtatrabaho sa isang laundry shop, pero hanggang ngayon ay wala pa kayong hulog sa SSS.

Pinapayuhan po namin kayong magsadya sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS sa inyong lugar upang makapaghain ng pormal na reklamo laban sa inyong employer. Sa ganitong paraan, makakapagsagawa ang SSS ng imbestigasyon para malaman kung sadyang hindi sumusunod ang inyong employer sa mga probisyon ng Social Security Law, o kung mayroon lamang silang mga procedure sa pagbabayad at pagrereport ng binayaran, na hindi naisasagawa.

Ang SSS ay may “rule on anonimity” kung kayat hindi kayo dapat matakot na magsabi sa SSS ng mga problema sa paghuhulog. Sinisiguro po ng SSS na hindi malalaman ng employer kung sino ang naghain ng reklamo laban sa kanila ukol sa paghuhulog sa SSS.

Para sa inyong kaalaman, ang mga employer na lumalabag sa batas ng social security ay maaaring pagbayarin ng multa ng hindi bababa sa P5,000 at hindi din hihigit sa P20,000 at makulong ng hindi bababa sa anim ng taon at isang araw ngunit hindi hihigit sa 12 taon.
Sana po ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan.
Salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.
Sumasainyo,

May Rose DL Francisco
Social Security
Officer IV
SSS Media
Affairs Department

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending