Robin puro banat ang inabot sa paghahamon kay Trillanes | Bandera

Robin puro banat ang inabot sa paghahamon kay Trillanes

Cristy Fermin |September 07,2018
facebook
share this

Robin puro banat ang inabot sa paghahamon kay Trillanes

Cristy Fermin - September 07, 2018 - 12:40 AM

ANTONIO TRILLANES AT ROBIN PADILLA

Tanong ng isang anak-anakan namin, “Nanay, bago ako matulog, may isang tanong lang ako sa iyo. Bakit napaka-OA ni Robin Padilla?

“Bakit siya nakikisawsaw sa issue tungkol sa pagre-revoke ng amnesty ni Senator Antonio Trillanes? Look, who’s talking! May pa-video-video pa siya, ano tuloy ang napala niya sa pag-epal niya, pamba-bash ng mga netizens!

Ang ibig sabihin ng aming kausap ay dati na kasing nakulong si Robin, pero nabigyan ito ng pagkakataong makalaya ni dating Pangulong Fidel Ramos, ang Pangulong Rodrigo Duterte naman ang nagbigay sa kanya ng absolute pardon.

Totoo rin ang sinabi ng aming kausap na binash nang todo si Robin sa kanyang pagbi-video tungkol sa senador na nakaambang hulihin, lalo na sa kanyang pahayag na kung matapang ang senador ay wala itong dapat gawin kundi ang lumabas, hindi ‘yung nagtatago ito sa saya ng Senado.

Maraming ipinaglalaban si Robin para sa mas nakararami at hindi para sa kanyang pansariling kapakanan lang. Maganda ang ganu’n na sensitibo siya sa mga isyung panglipunan.

Kaya lang ay hindi bukas ang kalooban ng ating mga kababayan sa ginawa niyang paghahamon sa senador para lumabas. May isa pang nagsabi kay Robin, “You don’t kick a dying dog!”

OA! ‘Yun ang madalas na mababasang komento sa ginawa ng action star.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending