Female celeb mas masahol pa sa beki kung magmahal, todo-bigay sa luho ng dyowa | Bandera

Female celeb mas masahol pa sa beki kung magmahal, todo-bigay sa luho ng dyowa

Cristy Fermin |September 07,2018
facebook
share this

Female celeb mas masahol pa sa beki kung magmahal, todo-bigay sa luho ng dyowa

Cristy Fermin - September 07, 2018 - 12:35 AM

HANGGANG ngayon ay malaki pa rin pala ang tampo ng isang female personality sa kanyang naging karelasyong kilalang aktor. Ipinaglihi raw kasi sa manggang hinog ang male personality na ang ibig sabihin ay user ito.

Kung parinigan lang ang pag-uusapan ay napakahusay raw nitong maglambing sa kanyang girlfriend, nakukuha naman nito ang kanyang gusto, dahil daig pa kuno ng aktres ang mga becki kung magmahal.

“Ganu’n naman kasi ang ate n’yo kung magmahal, all mine to give talaga siya, kesehodang wala nang matira sa kanya, e, okey lang, basta mapaligaya lang niya ang karelasyon niya.

“Palagi siyang ganu’n, namumuhunan talaga siya sa pakikipagrelasyon. Minsan nga, e, nagkakautang-utang pa ang girl, mabili lang ang gustung-gustong gadget ng boyfriend niya.

“Marami nang nagpapayo sa kanya na huwag na siyang nagbibigay ng material things sa boyfriend niya dahil masarap naman siyang mag-alaga at magmahal, pero mas naniniwala ang girl na kapag sinuob niya ng mga regalo ang boyfriend niya, e, mas mamahalin pa siya.

“Kaso, nakatagpo siya ng isang lalaking ipinaglihi nga sa mangga, kaya ayun, naghikahos ang ate n’yo nang dahil sa lalaking ‘yun!” simulang chika ng aming source.

Pero mabilis makabangon ang girl, mawawalan siya ng datung ngayon, pero bukas lang ay marami na namang laman ang bulsa niya. Puwede na naman niyang i-spoil ang boyfriend niya.

Patuloy na chika ng aming impormante, “Nagkatagpo silang dalawa na parehong user. Ginagamit ng male personality si girl, meron namang mga ginagamit na D.O.M. ang babae. Kuwentas-klaras na lang sila, di ba?

“Kung anu-ano ang inireregalo ng girl sa boyfriend niya, pero datung naman ‘yun ng mga taong napapaikot niya, kaya it’s a tie lang!

“Nu’ng minsang mag-inuman ang isang grupo ng magkakaibigang female personalities, e, naglabas ng saloobin ang girl. Sa lahat ng nakarelasyon niya raw, e, ‘yung male personality na ‘yun ang pinakamatindi!

“Kotse na raw ang ihinihirit sa kanya nu’ng lalaki, kaya nag-isip-isip siya, bakit niya ibibili ng car ang guy, samantalang hindi nga niya mapalit-palitan ang van niya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ano nga naman siya, mina ng ginto? Meron ba siyang pinaghuhukayan ng kayamanan? Waley!” pagtatapos ng aming source.

Hindi na kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, bigay na bigay na kung sino ang bumibidang ate n’yo sa kuwentong ito!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending