Feeling: Valerie 3 beses inakalang magpo-propose na ang boyfriend | Bandera

Feeling: Valerie 3 beses inakalang magpo-propose na ang boyfriend

Ervin Santiago |September 07,2018
facebook
share this

Feeling: Valerie 3 beses inakalang magpo-propose na ang boyfriend

Ervin Santiago - September 07, 2018 - 12:25 AM

FRANCIS SUNGA
AT VALERIE CONCEPCION

TATLONG beses naging “feelingera” si Valerie Concepcion tungkol pagpo-propose ng kanyang fiancé na si Francis Sunga.

Inamin ng aktres sa nakaraang presscon ng bagong afternoon series ng GMA na Ika-5 Utos na sa tatlong mahahalagang okasyon sa kanyang buhay ay nag-expect siya na magpo-propose na si Francis – pero waley!

Una raw ay noong birthday niya noong December, 2017 tapos nu’ng anniversary nila last January at nito ngang nakaraang Valentine’s Day.

“Noong nag-30th birthday ako last December, nilibre ako ng party, parang magpaparty daw ako, siya daw magbabayad. Sabi ko hala baka magpo-propose, feelingera lang! Ha-hahaha! Pero hindi natuloy, noong December,” ayon kay Valerie.

“Then noong January anniversary namin baka ‘eto na, pero wala pa rin. February, Valentine’s, kasi minsan lang kami nagkikita once a month, so baka ‘eto na naman,” natatawang kuwento pa ni Valerie.

“Kaya sabi ko tama na ‘tong kalokohan na ‘to, kung mag-po-propose magpo-propose, kung hindi, hindi,” dugtong pa ng aktres.

At kamakailan nga lang ay naganap na ang pinakahihintay ni Valerie. Bumisita muli si Francis sa bansa para sa isang event.

“Noong last day na niya dito bago bumalik sa Guam, sobrang simple lang, nasa Marco Polo lang kami tapos sinabi na niya sa akin hindi raw siya uuwi ng hindi siya nagpo-propose. Sabi ko sa kanya, ‘Are you serious?’ sabi niya ‘Yes, I’m asking you now.’ So sabi ko, ‘heto na ‘yon, ang tagal kong hinintay,’” kuwento pa ni Valerie.

Balak nilang magpakasal sa simbahan dito sa Pilipinas next year, “Pinag-usapan namin na since hindi naman kami nagmamadali, ‘wag na kaming mag-civil wedding. One church na lang, like isahang wedding na lang here sa Philippines, next year or kung hindi pa rin matatapos ‘yong show, basta ang limit namin January 2020.

“‘Yon na ‘yong pinaka-ultimatum namin. ‘Yun ‘yung pinaka-late, pero wala pa talagang definite dahil magpapa-feng shui pa kami,” chika pa ng aktres na ang tinutukoy na show ay ito ngang Ika-5 Utos na magsisimula na sa darating na Lunes sa GMA Afternoon Prime.

Kahit na raw LDR (long distance relationship) ang drama nila, secured at may tiwala naman si Val sa kanyang mapapangasawa, “Wala, walang selos. Sabi ko nga, lahat ng boyfriends ko before nasa Pilipinas lang, ‘yon pa ‘yong lagi akong praning, lagi akong nagseselos, ‘eto kung sino pa ‘yong malayo, ‘yon pa ‘yong nakapagpa-feel sa akin na very secure sa pakiramdam ko, hindi ako nagseselos, hindi ako nababaliw.”

Anyway, makakasama rin ni Valerie sa Ika-5 Utos sina Gelli de Belen, Jean Garcia, Antonio Aquitania, Jeric Gonzales, Klea Pineda, Migo Adecer, Tonton Gutierrez at marami pang iba, sa direksyon ni Laurice Guillen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Iikot ang kuwento nito sa tatlong magkakaibigan na wawasakin ng isang trahedya nang dahil sa hazing at pang-aagaw ng asawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending