Daniel saludo kay Nadine: Rock ‘n roll!

DANIEL PADILLA AT NADINE LUSTRE

IN fairness, maraming JaDine fans ang natuwa sa magagandang sinabi ni Daniel Padilla tungkol kay Nadine Lustre.

Sa nakaraang guesting ni DJ sa Gandang Gabi Vice, tinanong ang aktor kung paano niya ide-describe si Nadine, “Gusto kong sabihin kay Nadine na ang rock and roll niya rin. Ano siya, e, fearless na babae, at alam niya kung ano ang gusto niya. It’s a good thing. Walang masama roon.”

Nagpasalamat naman ang mga fans nina Nadine at James Reid sa mga papuri ni Daniel at sana raw ay magkaroon ng chance na magkasama sa isang proyekto ang dalawang pambatong loveteam ng ABS-CBN.
Sa isang interview naman nagpasalamat si Nadine sa mga sinabi ni Daniel.

“I’m really happy that other artists like Daniel recognized it as well. From the very beginning, that’s what I’m really pushing as an artist naman talaga.

“I want to be myself lang, I want to be true to myself. Ako ‘yung no-BS kind of girl, so whatever is in my mind, I speak about it. Sinasabi ko talaga. If I know mayroong something wrong, I’m really going to say something about it,” aniya pa.

Read more...