Rayver makakaipon na nang malaki ngayong nasa GMA na | Bandera

Rayver makakaipon na nang malaki ngayong nasa GMA na

Reggee Bonoan |September 07,2018
facebook
share this

Rayver makakaipon na nang malaki ngayong nasa GMA na

Reggee Bonoan - September 07, 2018 - 12:10 AM

RAYVER CRUZ

NAGBIRO raw si Rayver Cruz sa kausap nito na makakapag-ipon na siya sa paglipat niya sa GMA 7 dahil malaki ang tatanggapin niyang talent fee kumpara noong nasa ABS-CBN siya.

Hindi naman mukhang pera ang aktor, pero sa estado niya ngayon ay nalampasan pa siya ng mga baguhang artista bukod pa sa madalang pa sa patak ng ulan kung siya’y mabigyan ng projects.

Pero hindi naman nakalilimot si Rayver sa ABS-CBN kung saan nanatili siya sa loob ng 17 taon bilang Star Magic artist at sobrang grateful siya sa mga nagawa sa kanya nina Mr. M (Johnny Manahan).

Kahapon ay pumirma ng 3-year contract si Rayver sa GMA Artist Center at agad niyang gagawin ang teleseryeng pagbibidahan din nina Kris Bernal at Thea Tolentino mula sa direksyon ni Mark dela Cruz.

Mapapanood na raw ito sa darating na Oktubre.

Samantala, base sa panayam ni Nelson Canlas ng 24 Oras ay si Marian Rivera ang pangarap makatrababo ni Rayver dahil Marimar days palang daw ay pinapanood na niya ang aktres.

Nabanggit din sa amin na planong i-guest si Rayver sa mga programa ng GMA at plano rin siyang isama sa Sunday PinaSaya na umeere tuwing Linggo pero tila pinag-uusapan pa itong mabuti dahil nga nanggaling ang aktor sa ASAP.

“Sabi nina Rayver at manager niyang si Albert (Chua), puwedeng guest lang si Ray sa Sunday PinaSaya, sasayaw lang siya,” sabi sa amin.

Maganda talaga ang ugali ng aktor dahil marunong siyang tumanaw ng utang na loob kahit sabihin pang dagdag kita rin sana niya ang maging regular sa Sunday show ng GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending