Di tumayo sa Pambansang Awit sa sinehan: 34 dakip

DINAMPOT ng mga pulis ang 34 katao na di tumayo nang patugtugin ang Pambansang Awit sa isang sinehan sa Lemery, Batangas, nitong Miyerkules.

Naganap ang paglabag sa Cinema 2 ng Xentro Mall sa Brgy. Malinis, dakong alas-2 ng hapon, bago ipalabas ang pelikulang “The Hows of Us,” ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.

“They did not stand at attention and disrespected the Philippine National Anthem while it was being played,” sabi sa ulat.

Ito’y itinuturing na paglabag sa Republic Act 8491 o ang Flag and Heraldic Code, ayon sa pulisya.

Nakasaad sa naturang batas na kailangang tumayo, magbigay pugay, at sumabay sa pag-awit ang lahat sa tuwing pinapatugtog ang pambangsang awit na “Lupang Hinirang.”

Sa ilalim din ng naturang batas, ang mga taong napatunayang lumabag ay maaaring pagbayarin ng multang di bababa sa P5,000 at di tataas sa P20,000, at puwedeng makulong nang di hihigit sa isang taon.

Papatawan uli ng parehong kaparusahan ang bawat paglabag.

Read more...