Horoscope, September 06, 2018 | Bandera

Horoscope, September 06, 2018

Madam Sophia |September 06,2018
facebook
share this

Horoscope, September 06, 2018

Madam Sophia - September 06, 2018 - 02:17 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Magiging matagumpay ang buhay sa larangan ng pag-ibig at sa salapi, ganon din sa aspetong pang-politika. Kahit maraming pera, hinay-hinay lamang sa pagasta at sa pagkain ng masasarap, mainam ang minimal na pagda-diet para lalo pang sumeksi at lumusog pa ang iyong pangangatawan. Tandaan mong masarap ang magkaroon ng mas mahaba at mas masayang buhay. Mapalad ang 6, 14, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Balam.” Silver at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Kung hindi pipigilan ang walang habas na pag-gastos lalong masisimot ang kabang-yaman. Sikaping magtipid. Sa pag-ibig, kung hindi patitikimin ng masarap na romansa ang kasuyo, darating ang araw na mawawala rin siya sa iyong tabi. Mapalad ang 3, 9, 18, 23, 27, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Lilac at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Wag manisi ng kapwa, dahil madalas ka rin namang magkamali! Sa pinansyal, at pag-ibig, ituloy ang pagiging mabait. Kapag lagi kang nagpapakabuti marami pang malalaking suwerte at grasya ang kusang darating sa iyong buhay. Mapalad ang 6, 12, 22, 37, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Pink at beige ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Wag samantalahin ang kabaitan ng iba! Kung paanong iniisahan mo ang iyong kapwa, sa bandang huli ikaw naman ang iisahan ng tadhana. Sa pag-ibig, maging tapat sa kasuyong Libra. Mapalad ang 8, 23, 28, 34, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He Vau-Weh.” Gray at olive green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Magtiis hangga’t kaya pa! Ang ginagawang pagsasakripisyo ay may gantimpalang nakalaang salapi sa araw ng bukas. Sa pag-ibig, basta’t patuloy kang nagsisikap darating ang araw aayon din sa iyong kagustuhan ang kapalaran. Mapalad ang 7, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gorocha-Om.” Green at gray ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — “Makakaraos din!” – yan ang mahiwagang formula, dahil sa araw na ito, kusang makakaraos sa problemang may kaugnayan salapi. Sa pag-ibig, wag mag-alala higit pa ngang mas magiging masarap ang romansa sa darating na mga araw. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Om.” Yellow at beige ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Wag munang bilangin ang itlog hanggang hindi napipisa. Lagi ka lang magpaka-sipag kusa ka ring yayaman. Sa pag-ibig, ituloy mo lang ang ginagawang pagpapasarap sa kasuyo, sa bandang huli lalong pasasarapin ng tadhana ang iyong buhay at karanasan. Mapalad ang 5, 17, 26, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Deva-Om.” White at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Tama ang ginagawang paunti-unting pag-iipon, ngayon pa lang paglaanan na ang kapaskuhan. Sa pag-ibig, dahil sa isang maling balita may pagsubok na darating, patuloy na magpakatatag at umunawa. Mapalad ang 4, 16, 25, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Red at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Ngayon na ang panahon upang magsimula ng negosyo. Habang nasa kasiglaan at may mataas na level ang iyong libido. Kumbinsehin ang isang Cancer na magsosyo kayo at ikaw ang dapat na masunod sa anumang pagdedesisyong ipatutupad. Mapalad ang 3, 12, 24, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om-Kirata.” Green at beige ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Kalimutan na ang nakaraan. Higit kang mas magiging maligaya sa bagong pag-ibig na darating. Sa pinansyal, isang Aries ang magbibigay sa iyo ng malaking halaga. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Manu-Menggay-Agne-Om.” Olde rose at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Mas maraming magagandang kapalaran ang darating kung iiwasan ang pagyayabang. Kahit kumita ng malaking halaga, isikreto mo lang. Sa pag-ibig, maraming nagnanasa sa iyong kagandahan, mag-ingat sa isang Leo. Mapalad ang 3, 9, 23, 31, 41, at 39. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Yellow at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Malungkot ka na naman? Ikaw din ang may kasalanan, umiibig ka kasi ng bigay todo ang lahat ng iyong sarili. Magtira ka naman ng pride at dignidag upang hindi ka masyadong masaktan. Mapalad ang 4, 8, 17, 26, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Deva-Om.” Violet at purple ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Wag ng hintayin ang Pasko – now na, magsimula ka na ngayon! Sa halip na isip ng isip ng kung ano-ano, kumilos ka agad ng kumilos upang magkapera. Sa pag-ibig, pagbigyan ang hiling ng kasuyo upang umunlad at sumagana na ang buhay nyo. Mapalad ang 4, 16, 25, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Kadab-Bra.” Yellow at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending