Jennylyn napaiyak dahil kina Kathryn at Daniel: In love na naman ako! Kinilig uli!


AS we write this ay umabot na sa more than P318 million ang gross ng “The Hows Of Us” nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

We’re not surprised kasi nga even Kapuso celebrities are all praises sa movie.

“Medyo nagulat ako kasi hindi ko in-expect na ganito siya ka-mature. Happy ako, kasi ang galing nilang dalawa. First time kong nakapanood ng movie nila together. Na-enjoy ko talaga. Naiyak ako. In love na naman ako. Kinikilig na naman ako. Ang daming emosyon! Sobrang ganda ng pelikula!” said Jennylyn Mercado.

“Yung di ko alam bakit ako naluluha na lang sa mga eksenang nakikita ko. Totoo eh. Totoong ganon yung nangyayari. Sobrang transparent ng The Hows Of Us. Kudos direk Cathy (Molina), sobrang bago sa mata lahat ng nakita ko. To KathNiel, sobrang consistent niyo! Fan talaga ako. Congrats!” say naman ni Kristoffer Martin.

For Marvin Agustin, he feels na “Tama nga silang lahat na napakaganda!!! Great job Kathryn and Daniel. You were both great actors in #THOU from start to finish, amazing performance! Direk Cathy, one of the best films ive watched if jot the best! Thank you @StarCinema, my family and I enjoyed the film.”

Read more...