Mega rumesbak sa basher na nagsabing plastik sila ni Kris


KINASTIGO ni Sharon Cuneta ang isang basher na nagsabing kaplastikan lang ang friendship nila ni Kris Aquino.

Sa Instagram account ni Mega kung saan ipinost niya ang letter ni Kris para sa kanila ni Sen. Kiko Pangilinan, isang netisen ang nag-comment ng, “Orocan at its finest.”

Ito naman ang sagot ni Sharon sa hater, “Haters and bullies will be blocked. ‘More [love] less hate?’ This is what your profile says. And yet you encourage the latter by implying plastic kami to each other? Please be kind. We haven’t done anything to you to deserve that.”

Maraming pumuri sa pagkakaibigan nina Sharon at Kris dahil hindi sila nagpapaapekto sa intriga, mula noon hanggang ngayon ay napanatili nila ang kanilang maayos na relasyon.

Mensahe nga ni Kris kay Mega, “Ate S, my forever gratitude is yours for the generous kindness and infinitely valuable insights you have shared with me.”

Read more...