MANNY Pacquiao might find himself embroiled in a legal battle once some of his disgruntled employees file a case against him sa Department of Labor.
May nakarating kasi sa aming chika na ang dami niyang employees na tsinugi dahil nalulugi na raw ang kompanya niyang Pacquiao Group of Companies. Ang alam namin, any time ay magsasampa ng kaso sa labor ang na-retrench na employees ni Pacman.
We also hear stories na ang karamihan sa mga natsugi ay mga regular employees. ‘Yung iba naman daw ay binigyan ng option na magtrabaho sa boutiques ni Manny pero as casual lamang. Nakakaloka, ‘di ba?
At hindi pa ‘yon. Palagi raw delay ang suweldo ng mga empleyado sa boutiques ni Manny. Through agency kasi sila kinuha so sa agency nila kinukuha ang kanilang suweldo. And since hindi raw nare-remit ng PGOC ang suweldo nila on time ay delay raw ng three to five months ang salary nila.
Totoo ba ito, Manny? Mabuting magpaliwanag ka para maliwanagan kami.
Ang feeling namin ay hindi naman talaga nasusubaybayan ni Manny ang kanyang negosyo for lack of time. We’re quite certain na hindi niya alam ang pangyayaring ito and when he learns about it ay tiyak na gagawa siya ng kaukulang aksyon. Siyempre, aayusin ni Manny ang gusot na ito.