KUNG nabubuhay ang kaibigang Richard Pinlac (who would have celebrated his birthday last Aug. 30), tiyak na may kalalagyan sa kanya ang starlet na si Ynez Veneracion.
Nananahimik kasi ang noo’y alaga ni Richard na si Tina Paner nang magpatutsada si Ynez—with her and Ramon Christopher together in a photo taken at a recent birthday party. Hindi man pinangalanan, ang tinutukoy niyang “babalina at bansot” was believed alluded to Tina na balitang nakipagbalikan kay Monching.
Somewhere in the convo ay lumutang ang pangalang “Paner,” positibo ngang Ynez’s description of the anonymous subject was meant for Tina. Buwelta ng huli, ang laki raw ng problema ni Ynez na pati baba niya’t height ay affected siya.
Hirit pa ni Tina, at least, hindi siya “Salamat po, doc!” na obviously ay patungkol sa pagpaparetoke ng starlet.
Again, if Richard were alive ay hindi niya palalampasin ang pang-ookray ni Ynez kay Tina.
Baka mag-“duet” pa sila ni Daisy Romualdez sa pagkumpronta kay Ynez na the chutzpah nga namang mamintas gayong ‘di hamak na mas maraming kapintas-pintas sa starlet.
Hindi na namin iisa-isahin pa kung anu-ano ang mga ‘yon. After all, isang bukas na aklat naman ang personal na buhay ng artistang napakatagal nang nasa industriya pero hindi umangat-angat ang estado mula sa pagiging starlet that she still is today.