HINAMON ng actor na si Robin Padilla si Senator Antonio Trillanes IV na lumabas ng Senado at harapin ang mga umaaresto sa kanya matapos ipawalang-bisa ni Pangulong Duterte ang amnesty na ibinigay sa senador ng dating Pangulong Noynoy Aquino.
Mapapanood sa video na pinost ni Robin sa kanyang Facebook page na tila nasa malapit siya sa Senado habang nasa loob ng kanyang sasakyan.
“Dito po sa loob ay nagtatago ang isang senador na mismong hindi ho sumusunod sa batas,” pahayag ni Robin sa kanyang video.
“Kami mga ordinaryong tao, kapag may kaso, wala kaming magawa. Kapag sinabi ng pulis na kailangan namin sumama sa kanila, sumasama kami.” ang sabi pa ng aktor.
Dito rin hinamon ni Robin si Trillanes: “Lumabas ka! Wag kang magtago sa saya ng Senado!”
Kinuwestyon din ng aktor ang pananatili ni Trillanes sa Senado at sinabing hindi naman daw sila ang nagbabayad ng kuryente doon kundi ang taumbayan.
Pinayuhan din ni Robin si Trillanes na huwag matakot na makulong.
“Wag kang matakot kasi wala ka dapat ikatakot.” dagdag pa nya