Jinkee Pacquiao ‘kinatatakutan’ ng mga taga-Sarangani, laging nakasimangot, mukhang maldita

Jinkee Pacquiao

Walang gaanong kuwentong lumalabas ngayon tungkol sa mag-asawang Congressman Manny Pacquiao at sa kanyang vice-governor na misis na si Jinkee. Bakit kaya?

Kahit nu’ng iniisa-isa na ang mga personalidad na tumakbo nu’ng nakaraang eleksiyon, nanalo man o natalo, ay hindi ganu’n kaingay ang pangalan ng mag-asawa.

Kumusta naman kaya ang serbisyong ibinibigay ngayon ng vice-governor ng Saranggani, pumapasok kaya siya sa kanyang opisina sa Kapitolyo na dala-dala ang kanyang mga branded bags, ‘yun kasi ang naging isyu kay Jinkee nu’ng panahon ng kampanya.

Mabuti pa nu’ng wala sila sa posisyon at kahit paano’y may ingay ang kanilang pangalan, pero ngayong abala na sila sa paglilingkod sa kanilang mga nasasakupan, blangko ang mga pahina ng kahit anong pahayagan para sa kanila.

Sabi ng aming source na may kamag-anak na taga-Saranggani, “Nasusupladahan sila kay Jinkee. Hindi raw kasi approachable ang itsura niya! Mas lumalapit pa sila kay Pacman, ma-PR daw kasi ang congressman nila, unlike Jinkee na palaging nakasimangot!” kuwento ng aming source.

Mukha lang namang maldita ang itsura ng misis ng Pambansang Kamao, pero kapag nakasama mo na siya nang matagal-tagal ay mabubura ang ganu’ng impresyon, ang totoo ay matindi ang insekuridad sa katawan ni Vice-Governor Jinkee.

Kapos siya sa tiwala sa kanyang sarili, parang nalulula pa siya sa mga biyayang dumarating sa kanilang buhay, mula nga naman kasi sa napakasimpleng buhay ay biglang bumongga ang kanilang kabuhayan.

Matalim lang tumingin ang misis ni Pacman, pero wala sa kanya ‘yun, simpleng-simple pa nga siya kung tutuusin kesa sa ibang personalidad diyan na nagkaroon lang ng konting suwerte ay akala mo pag-aari na ang buong mundo.

Read more...