Hollywood actor pasok sa bagong K-drama nina Ha Ji Won at Jin Goo


PASOK sa bagong Korean drama na Prometheus nina Ha Ji Won at Jin Goo ang Hollywood actor na si Ki Hong Lee.

Isang spy thriller drama ang tema ng Prometheus kung saan nawawala ang tatlong North Korean scientist na may alam sa long-range missiles.

Susubukang hanapin ang mga ito ng mga intelligence officers sa South Korea at sa iba pang mga bansa.

Gaganap si Ji Won bilang Chae Eun Seo, isang intelligence officer. Isang military official naman mula sa North Korea ang magiging papel ni Goo.

Kabilang sa mga hit drama ni Ji Won ang Empress Ki, Secret Garden at Hospital Ship.

Ilan naman sa pinagbidahang series ni Goo ang Descendants of the Sun, Night Light at Untouchable.

Kilala si Hong Lee sa kanyang role sa sikat na film na Maze Runner. Gaganap siya bilang CIA agent sa bagong drama kaya ‘yan ang inyong abangan. – Kezia Dominguez

Read more...