Biriterong singer mahilig bumanat pero puro blind item


MADALI raw makalimot ang isang male personality tungkol sa kanyang mga pinagsasasabi.

Mahilig siyang magkomento sa social media account niya, marami siyang reklamo tungkol sa mga katrabaho niya, aligaga ang lalaking personalidad na ito sa paglalabas ng mga blind items sa kanyang account.

Hindi niya pinapangalanan ang taong tinutukoy niya, puro pitik-bulag lang ‘yun, bahala nang manghula ang mga followers niya.

Kuwento ng aming source, “Para kasing hindi pa siya satisfied sa pagiging singer niya, gusto pa rin yata niyang maging writer. Gusto niyang magkaroon ng column sa mga tabloids, kaya ang hilig-hilig niyang mag-blind item sa mga account niya.

“Natural, hindi niya mabanggit ang name ng topic niya, kasi nga, kasamahan niya ‘yun sa network na pinagtatrabahuhan niya! Dahil du’n, puro blind items na lang ang isinusulat niya,” kuwento ng aming source.

Kaso, sa dami ng mga ibina-blind item ng male personality ay nakalilimot siya, hindi na niya naaalala na minsan ay pinaringgan niya ang isang artista.

Balik-chika ng aming source, “’Yun lang ang problema, hindi na niya naaalala sa dami ang mga stars na bumibida sa mga blind items niya. Nakalilimot siya, kaya minsan, pinupuri rin niya ang dating pinipitik niya.

“Like kailan lang, pinuri niya ang isang young actor na magaling daw sa movie niya. Congrats daw sa loveteam, dahil ang gagaling nila!

“Nakalimutan na ng male personality na minsan, e, pinaringgan niya ang young actor sa account niya. Kain daw nang kain sa dressing room, tapos, iniiwanan lang ang pinagkainan!

“Wala raw pakisama ang young actor, masyado raw burara, wala raw kahihiyan. E, ‘yun ang binati niyang bagets actor, kaya inupakan siya ng mga fans!

“Kumain ng ampalaya ang male personality na magaling bumirit, talagang inupakan siya ng mga fans ng young actor na ginawa niyang blind item nu’n sa account niya!” tawa nang tawang chika pa ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, alam n’yo na kung sino ang male personality na ito na todo kung bumirit.

Read more...