‘M. Butterfly’ stage play ni RS Francisco R-18


SORRY  na lang sa mga kabataang 18 years old pababa na nais manood ng Tony award-winning stage play na “M. Butterfly” na pinagbibidahan ni RS Francisco.

Kinumpirma ni RS na R-18 (For Adults Only) ang pagbabalik on stage ng “M. Butterfly na pinagbidahan din niya noon 28 years ago.

Mapapanood na ito simula sa Sept. 13 at tatagal hanggang Sept. 30 sa Maybank Performing Arts Theater, BGC Arts Center, Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City.

Kuwento ni RS sa nakaraang presscon ng “M. Butterfly” ang buong production na ang nagbigay ng R-18 sa stage play dahil bukod sa maseselang eksena na nakatakdang gawin ng award-winning actor bilang Chinese opera singer na si Song Liling at ng katambal niyang French actor na si Olivier Borten (gaganap bilang Rene Gallimard), may iba pang karakter na maghuhubad sa kabuuan ng palabas na ididirek ni Kanakan-Balintagos.

“M. Butterfly” is under the production of RS’ Frontrow along with Tony-winning theater producer Jhett Tolentino. Walang kikitain sina RS sa play na ito dahil ang lahat ay mapupunta sa mga napili nilang beneficiaries, kabilang na ang Dulaang UP.

“Dulaang UP has given me so much, and has opened so many doors for me. It changed the course of my life. This is the time na I want to give back everything with all my power, all my love, and all my heart.”

Ayon kay RS, mas magiging palaban at daring siya ngayon bilang Song Liling, kumpara noong una niya itong ginampanan, “At the time, I was 18. I didn’t have much life experience, so I had to really dig up and try to think I’m 40, I’ve gone through so much.

“But now, that I’m a little bit older, with all that I’ve gone through, all the hardships, all the heartbreaks — I can put them into the character of Song Liling. I can layer Song Liling even more.”

Bukod kina RS at Olivier Borten, makakasama rin sa “M. Buttefly” sina Norm Mc Leod as Toulon, Lee O’Brian as Marc, Rebecca Chuaunsu as Comrade Chin, Pinky Amador as Helga and Maya Encila as Renee.

For ticket inquiries, call lang kayo sa Ticketworld, 891-9999 or Isha Germentil, 0917-6233834.

Read more...