Direk Cathy sinagot ang ‘padding’ issue sa kinita ng KathNiel movie

MAY nag-react sa naka-post na official gross ng “The Hows Of Us” noong first day nito sa sinehan.

Tumataginting na P35,938,622.74 ang naka-post na initial gross ng movie nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

“Bakit may butal direk?!?! Dito magsisimula ang padding issue na naman,” one fan asked direk Cathy Garcia-Molina.

“Hindi po. Jan nga matatapos padding issue. Kasi galing mismo yan sa official statement. Pag rounded off ang figures, yun ang mas nakakatakot. Kasi impossible na saktong walang butal ang gross. May butal ang presyo ng tickets e. eksakto to. Promise!” sagot naman ni direk Cathy.

Breaking box-office record ang movie nina Daniel at Kathryn. On its second day ay naka-P70,755,736.11 ang movie ng magdyowa. And on its third day sa takilya ay naka-116,943,914.02 naman ito.

Overwhelmed ang Star Cinema at ABS-CBN sa super success ng KathNiel movie. Talagang parang bagyo sila sa takilya.

Of course, KathNiel fans are rejoicing.

“So amazing with the response of the fans and even non fans and some celebrities also watched THOU! Iba kasi pag KathNiel laging may bagong inooffer kaya lahat curious kung ano na naman ang mga roles nila.

“This time kakaiba talaga and knowing Direk Cathy nag iisa lng yan and we are so delighted kasi isa ang KathNiel na gagawan nya ng movie before she retires! Kaya punong puno lang kaming mga fans sa pagpapasalamat sa solid ng suporta ng lahat sa KathNiel!! Kaya pila na tau guys at manood ng storya ni Primo at George!” said one fan.

“Sana lang hindi pa ito ang last movie ng KathNiel with direct Cathy. Solid kathniel fan here. Forever kathniel love you guys,” said another fan.

Read more...