Ritz Azul: Ang dami kong luhang inilabas, sobra akong na-culture shock!


MEDYO makulay ang personal na buhay ngayon ni Ritz Azul dahil may idine-date raw siyang non-showbiz guy.

Aminado ang dalaga na NBSB o no boyfriend since birth pa rin ang kanyang status tulad ng lagi niyang sinasabi kapag iniinterbyu siya ng press, “Pero ngayon may ini-entertain na ako, dating and he’s not from showbiz,” ang pahayag ng leading lady ni Pepe He-rera sa pelikulang “The Hopeful Romantic.”

“Nag-start lang sa barkada. Hindi ko binibilang yung romantic date. Ako kasi, cowboy kasi ako, eh. Mostly nga kasama naman yung friends, eh,” dagdag kuwento pa ni Ritz sa nakaraang presscon ng bagong romcom offering ng Regal Entertainment.

Ayaw munang pangunahan ng dalaga ang mga ganap sa kanila ng guy, “Well, let’s see. Hindi naman po ako nagmamadali.” Choice raw talaga niya nna huwag munang mag-boyfriend sa mahabang panahon.

“Kasi for the past few years, focus ako sa career. Mas inisip ko kasi yung ibang bagay kesa sa personal kong buhay. Ako kasi, masyado akong futuristic mag-isip kaya medyo naiwan ko yung side na yon sa kabataan ko.

“Saka nu’ng time na yon naghihintay ako ng guy na hindi makakaabala sa ginagawa ko. Kumbaga, susuporta pa rin, so far, yung guy na ito, sumusuporta siya,” paliwanag ng dalaga.

Samantala, may nagkomento sa presscon ng “The Hopeful Romantic” na parang may nabago sa kanyang itsura, kaya ang diretsong tanong sa kanya kung may pinaretoke ba siya? Natawa muna ang aktres sabay sabing, “Wala. Wala. Kahit hawakan n’yo pa lahat ito,” na pinisil-pisil pa ang kanyang ilong.

Open naman daw siya sa pagpaparetoke, “Siyempre, hindi natin masabi yung future. Pero kung ako ang tatanungin ngayon, wala akong gustong baguhin. Kasi feeling ko pag may binago ako, hindi na ako yon. Parang magpapalit na ako ng pangalan no’n kung sakaling magpapalit ako.”

Marami rin ang nakapansin na mas tumaas ang confidence level ni Ritz sa pakikipag-usap sa press,

“Siguro mas natuto na lang ako ngayon. Mas na-open na yung mind ko sa syudad, kasi noon lagi lang sa probinsya, eh.

“Nahirapan din akong mag-adjust lalo na nu’ng pagpasok ko ng ABS. Iba siya, iba. Ang dami kong luhang nailabas kasi sobra akong na-culture shock. Parang kailangan lagi kang maayos kahit na nagmo-mall ka lang, kasi artista ka.

“Pero ako, personally, hindi ko pinasok sa utak ko lahat. Ginagawa ko lang kung anong gusto ko, kung saan ako masaya. Doon ako sa part kung saan ako proud. Natutunan ko din sa ABS na dapat panindigan mo kung ano ka,” aniya pa.

Anyway, natutuwa si Ritz at ang kanyang leading man na si Pepe Herrera dahil puro positibo ang natatanggap nilang reaksyon at komento mula sa mga tao para sa pelikula nilang “Hopeful Romantic” na showing na Sept. 12 mula sa direksyon ni Topel Lee.

Read more...