Horoscope, September 03, 2018 | Bandera

Horoscope, September 03, 2018

Madam Sophia |September 03,2018
facebook
share this

Horoscope, September 03, 2018

Madam Sophia - September 03, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Nakahanda na ang suwerte, sa susunod na mga araw malaking halaga ng salapi ang matatanggap. Sa pag-ibig, hindi dapat na maging emosyonal, gamitin ang rason upang lumigaya. Mapalad ang 5, 18, 23, 33, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Adonai-Elohim.” Silver at lilac ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Kung sumablay ang diskarte, panahohn na upang magbago ng landas at ng paraan. Sa bilis at agad-agad na pagkilos mas madali kang uunlad. Sa pag-ibig, galingan ang romansa upang muling uminit ang relasyon. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Yaksha-Om-Umali.” Red at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Simulan ang bawat araw na puno ng pag-ibig at pagmamahal ang iyong puso. Kusang sinusuwerte ang mga Taurus sa pinansayal sa panahon sila ay “in love”. Buhayin ang pakikipagrelasyon sa isang Virgo. Mapalad ang 6, 12, 23, 33, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krisna-Om-Mandala.” Purple at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Maghinay-hinay sa anumang desisyon gagawin. Tandaang ang tagumpay sa salapi at pag-ibig ay kusa namang dumarating basta ang mahalaga mag-focus ka sa iyong layunin. Sa pag-ibig, pagpasensiyahan ang isip batang kasuyo. Mapalad ang 5, 19, 28, 37, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Om.” Violet at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Wag makipaglaro sa damdamin, rason at isip ang dapat na gamitin upang tuloy-tuloy na umunlad at lumigaya. Sa pag-ibig, isang masarap na romansa ang matitikman sa isang Scorpio na noon pa sa iyo umaalialigid. Mapalad ang 2, 16, 27, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jhana-Om-Nama.” Green at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Apoy ang magbibigay ng suwerte! Tuwing gabi ipagdasal ang pagyaman, habang nakasindi ang kulay pulang kandila sa altar. Sa pag-ibig, ang underwear na kulay red ang lalo pang magpapalakas ng iyong sex appeal. Mapalad ang 1, 19, 27, 35, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Bukod sa yellow buenas ang orange.
Virgo – (August 23 – September 22) — Kumilos ka lang ng kumilos – sobrang layo ang iyong mararating. Ang tuloy-tuloy na pagkilos ay magbubunga ng limpak-limpak na salapi. Sa pag-ibig, wag makuntento sa pangarap, upang lumigaya ipatupad ang iyong balak. Mapalad ang 5, 14, 23, 31, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Silver at white ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Pag-ibig sa pamilya ang magdadala ng magandang kapalaran at ligaya. Panatiliin ang pagiging tapat sa kasuyo. Iwasan ang immoral na relasyon at makikita mo kusang dadami ang iyong pera at habang buhay kang magiging maligaya. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bodhana-Om.” Violet at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Sasama na naman ang loob mo dahil sa mga pagkakamali ng mga mahal sa buhay. Ganon pa man, hindi nila mapipigil ang paparating mong malalaking suwerte sa pag-ibig at sa pinansyal. Ipagdasal mo silang mag-bagong buhay. Mapalad ang 1, 17, 28, 31, 44, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Pink at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Walang tigil ang dating ng suwerte at magandang kapalaran, kaya naman dapat na ito rin ang panahon upang ikaw ay mag ipon at magpundar. Sa pag-ibig lalo pang bubuti ang pakikipagrelasyon sa isang Gemini. Mapalad ang 6, 15, 27, 33, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Pink at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Upang magbago ang kapalaran, magbakas-yon muna sa sinilangang bayan. Habang nasa sasakyan magagandang ideya mabubuo. Sa pinansyal, ngayong “ber months” kusa ng dadami ang iyong pera. Mapalad ang 5, 9, 25, 34, 40, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gatah-Om-Krisna.” Green at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Walang katulad ang iyong ganda, kaya wala ring katulad ang pagdating ng magandang kapalaran sa pag-ibig at pagkakaperahan. Ang kailangan lang lagi kang magsuot ng kulay na red. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He Vau-Weh.” Bukod sa red ang yellow ay buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Huwag matakot kumilos, pagkakataon mo na ngayong umunlad. Bago ang hangal na relasyon unahin munang asikasuhin ang mga bagay na pagkakaperahan. Sa ganyang paraan mas madali kang uunlad hanggang sa tuluyang yumaman. Mapalad ang 6, 12, 23, 33, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krisna-Om.” Green at purple ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending