Opisyal ng NBP patay matapos pagbabarilin sa Muntinlupa City

PATAY ang isang opisyal ng New Bilibid Prison (NBP) matapos pagbabarilin ng isang salarin sakay ng isang motorsiklo  ngayong hapon.

Kinilala ng mga otoridad ang biktima na si Insp. Romel Reyes, 41, ng Bureau of Corrections (BuCor) at nakatalaga sa Bureau of Reservation Security Service (BRSS).

Sinabi ng pulisya na binaril ang biktima ganap na alas- 4:05 ng hapon sa kahabaan ng NBP Road malapit sa Sunken Garden sa New Bilibid Prison Reservation sa Barangay Poblacion, Muntinlupa City.

Idinagdag ng pulisya na nakasuot ang salarin ng puting helmet at nakasakay sa isang asul na motorsiklo.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad para makilala ang suspek.

Read more...