Pampasaherong ferry nasunog sa karagatan ng Cebu

NASUNOG ang isang interisland ferry sa karagatan ng Argao, Cebu ngayong araw, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ni PCG Spokesperson Armando Balilo na sumiklab ang sunog sa MV Liteferry ilang minuto bago ito dumaong sa Taloot Wharf sa Cebu.

Idinagdag ni Balilo na nagsimula ang sunog sa barko habang 300 metro na lamang ang layo nito bago dumaong.

Ani Balilo may sakay na 97 pasahero at 27 crew ang barko nang mangyari ang insidente.

“All passengers and crew safely got off the ship and are in good condition,” sabi ni Balilo.

Iniimbestigahan na ang naging sanhi ng sunog.

Naapula naman ng mga otoridad ang sunog ganap na alas-2:30 ng hapon,

Sinabi ni Substation Commander Gerry Patenio ng Philippine Coast Guard (PCG) Argao na inaalam pa nila ang kabuuang pinsala na idinulot ng sunog, gayun din ang pinagmulan nito.

Read more...