Horoscope, September 02, 2018 | Bandera

Horoscope, September 02, 2018

Madam Sophia |September 02,2018
facebook
share this

Horoscope, September 02, 2018

Madam Sophia - September 02, 2018 - 12:16 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Gaano man karami ang dumating na biyaya dapat magpasalamat upang lalo pang madodoble ang mga pagpapala. Sa pag-ibig, magpasalamat sa kasuyo, sa pagkalinga at pagmamahal na ipinagkakaloob nya sa iyo. Mamayang gabi, i-kiss mo siya sa lips. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Yophiel.” Green at orange ang buenas.
Aries – (March 21-April 19) — Palaguin ng palaguin ang kabuhayan, upang ngayon pa lang ay matamasa mo na ang kaligayahan at sa future ay upang mapamanahan ng magandang kinabukasan ang mga mahal mo sa buhay. Sa pag-ibig, wag gaanong magtiwala sa isang Scorpio. Mapalad ang 3, 12, 27, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Gayatri-Om.” Blue at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Ngayong unti-unti ng nakakabayad sa mga pagkakautang wag ng mangutang muli kung hindi naman kayang bayaran. Simulan na ang negosyong may kaugnayan sa pagkain. Sa pag-ibig, sundin ang suwesyon ng kasuyo upang mas madali kayong umasenso. Mapalad ang 7, 18, 27, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Aum” Lilac at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — “Another extra mile” ang susi upang ikaw ay yumaman. Wag masiyahan sa isang gawaing natapos na, magsimula uli ng bago. Sa pag-ibig, hindi naman kailangang doblehin ang kasuyo, isa-isa lang upang habang buhay na lumigaya. Mapalad ang 5, 9, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Regama-Om.” Blue at gray ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Agapay buhat sa iba ang magbibigay ng suwerte at ligaya. Sa pinansyal, kailangan mo ang tulong ng isang Capricorn. Sa pag-ibig, sa isang Scorpio masusumpungan ang true love. Mapalad ang 4, 13, 24, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sahatsha-Sarva-Om.” White at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Wag hanapin ang ligaya sa mga bagay na materyal. Sa halip na salapi ang ipunin, mag-ipon ng mabuting gawa at pag-ibig sa kapwa. Habang gumagawa ng mabuti, wala ng luhang papatak, ang iyong paligid ay mala-himalang mapupuno ng kaligayahan. Mapalad ang 1, 7, 23, 32, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Om.” Gold at beige ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Hindi ka tatanda kung palagi kang masaya. Ngitian ang mga kausap upang dumami ang benta. Sa pag-ibig, higit na sasarap ang romansa kung hahaluan ng harutan at kilitian ang pagsasarilinan. Mapalad ang 4, 16, 22, 31, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Krato-Aum-Joviyo.” Gray at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Upang hindi masira ang future ng inyong pamilya iwasan ang isang hangal na pag-ibig na nagtatangkang bumihag sa iyo. Manatiling tapat sa kasuyong Aquarius upang lalo pang umunlad ang buhay at sumagana. Mapalad ang 3, 17, 26, 34, 42 at 48, Mahiwaga mong mantra: “Om-Kastha-Aum-Raga.” Purple at orange ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Walang maibibigay na pag-unlad ang araw ng bukas! Gawin na ang lahat ng gusto mong gawin ngayon. Puntahan na ngayon ang kasuyo, ngayon mo na rin ipadama sa kanya ang init ng iyong pagmamahal. Mapalad ang 7, 16, 25, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Red at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Masusulusyunan ang mga suliranin kung mabilis na pagpapasya ang gagawin. May oportunidad na darating sa pangingibang bansa – sunggaban agad. Sa pag-ibig, naghahanap ang kasuyo, lambingin mo siya agad. Mapalad ang 5, 9, 26, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Durate-Rebus-Om.” Maroon at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Wag pakinggan ang sulsol ng iba! Sa sariling diskarte uunlad at yayaman ka. Sa pag-ibig, kung ano ang tinitibok ng puso, iyon ang sundin mo. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Om-Vid-Hunan-Vid-Om.” Green at red ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Kahit anong problema ang dumating, isang kaibigang Virgo ang maaasahan. Sa pinansiyal, isang Leo ang muling mangungutang. Pahiramin mo na siya, kaawaawa naman. Mapalad ang 1, 9, 28, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Om”. Orange at gold ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Sa pamomolitika at paglabas-labas ng lipunan, malaking halaga ng salapi ang matatanggap. Sa pag-ibig, higit na nakapagbibigay ng inner peace ang pagtulong sa mga nangangailangan kaysa sa sobrang pagpapayaman! Mapalad ang 1, 9, 17, 26, 35, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mira-Om-Miraculum.” Black at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending