Promise ni Alden sa AlDub Nation: Hindi ako aalis ng Bulaga!


GALAK na galak ang AlDub Nation sa tweet ni Alden Richards na hindi niya iiwan ang Eat Bulaga para mabawasan ang kanyang work load.

Eh sa mga Kapuso stars, tanging ang Pambansang Bae lang ang may programa sa tanghali araw-araw at napapanood din every night sa primetime series na Victor Magtanggol.

Batid ng ADN na nasa puso pa rin ni Alden ang ka-loveteam niyang si Maine Mendoza. Kahit wala pang pelikula at teleserye, tanging ang noontime show ang venue upang makita sina Alden at Meng sa telebisyon, huh!

Kaya naman hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asa na magbabalik ang AlDub sa telebisyon at sa big screen kahit separate ang projects nila ngayon.

Kaya naman pagdating sa Twitter, umaapaw pa rin ang tweets ng ADN sa araw-araw na hashtag nilang ginagamit kumpara sa ibang kasabayang hashtags na hindi makahabol sa paramihan ng tweets.

Read more...