BILIB na bilib si Kyline Alcantara sa kanyang idol na si Marian Rivera. Magkasama na ngayon ang dalawa sa Sunday PinaSaya kaya mas lalo pa silang nagiging close, sabi ni Kyline.
Sa panayam ng GMA, sinabi ni Kyline napakarami niyang natututunan sa kanyang Ate Yan Yan at napatunayan niya na sobrang bait nito at super sweet.
“Si Ate Yan Yan po kasi nabibigyan niya rin po ako ng positive vibes, kasi every time po na magkikita kami she’s always smiling, tapos she’s always hugging me.
“Hindi lang po siya ‘yung typical na hug or hawak lang, alam mo ‘yung mahigpit po na hawak so parang I’m so happy,” sabi ng dalaga.
May payo rin daw sa kanya si Marian sa pagharap sa mga intriga, “With some issues po nabibigyan po niya ako ng advice kung paano i-handle ‘yun. So parang kinakausap niya ako like one-on-one talaga. Tapos minsan nakikisali din si Kuya Dong (Dingdong Dantes).”