Barbie nakipag-date kay Jak sa HK: Ako na ang pinakamaligaya kapag kasama kita!


MAGKASAMANG nagliliwaliw ngayon sa Hongkong ang lovers na sina Barbie Forteza at Jak Roberto.

Sa isang bahagi ng HK Disneyand, ipinost ni Barbie ang pic nila ni Jak na magkayakap, pinusuan niya ito at sinamahan ng caption na, “I’m the happiest whenever I’m with you!” May pa-couple shirt pa ang dalawang Kapuso stars habang namamasyal doon, huh!

“My Princess” naman ang caption ni Jak sa IG photo nila ng girlfriend.

Hindi nga lang nasolo ni Jak si Barbie sa biyaheng ‘yon dahil sa isang litrato, kasam ang fadir ng Kapuso youngstar at ang sister ng Kapuso hunk na si Sanya Lopez.

Samantala, sa reply ni Barbie sa isang netizen, sinabi niyang isang taon nang panalo ang kanilang Team Pandesal na nabuo sa pinagsamahang GMA series na Meant To Be, huh!

Read more...