Glaiza, Tetchie sanib-pwersa laban sa mga kontrabida ng Contessa

HINDI na talaga mapipigilan ang karakter ni Tetchie Agbayani bilang Guada sa kanyang mga plano na pabagsakin ang mga Imperial sa huling dalawang linggo ng Kapuso afternoon serye na Contessa.

Dumating na nga ang pinakahihintay na pagkakataon ni Guada na makapaghiganti kina Charito (Chanda Romero) at Duquessa (Gabby Eigenmann) sa ginawa nito sa kanyang pamilya. Ito na ba ang katupusan ng kasamaan ng mga Imperial?

Samantala, nagtagumpay naman si Contessa (Glaiza de Castro) sa paghihiganti niya kay Daniela (Lauren Young) dahil lingid sa kanyang kaalaman ay pinaglaruan at pinalabas lamang ni Contessa na patay si Gabriel (Geoff Eigenmann) para mailigtas ito mula sa kanyang mortal na kaaway. Ito na ba ang simula ng matiwasay na relasyon nina Contessa at Gabriel?

Huwag palalampasin ang nalalapit na pagtatapos ng Contessa mula Lunes hanggang Sabado sa GMA Afternoon Prime after Eat Bulaga.

Read more...