PH 5 nagtapos sa ika-5 puwesto sa Asiad men’s basketball


SINANDALAN ng Pilipinas ang matinding ratsada sa unang yugto para itala ang dominanteng panalo kontra Syria, 109-55, at magtapos sa ikalimang puwesto sa 18th Asian Games men’s basketball classification round Biyernes ng gabi sa Gelora Bung Karno Istora sa Jakarta, Indonesia.

Pinamunuan ni Jordan Clarkson ang 7-0 run ng mga Pinoy cagers sa unang yugto na naging hudyat sa pagragasa ng koponan na itinayo ang 38-16 bentahe sa pagtatapos ng nasabing yugto.

Ipinagpatuloy ng Pilipinas ang kanilang dominanteng paglalaro sa ikalawang yugto sa pangunguna nina Clarkson at Christian Standhardinger na namuno sa opensiba para tulungan ang mga Pinoy cager na itaguyod ang 26-puntos na bentahe sa halftime break, 60-34.

Nagpatuloy ang pananalasa ng Pilipinas sa opensa sa second half kung saan nalimita ng kanilang depensa ang Syria sa 10 at 11 puntos sa ikatlo at ikaapat na yugto.

Pinangunahan ni Clarkson ang Pinoy cagers sa itinalang 29 puntos.

Nagdagdag si Standhardinger ng 27 puntos habang nag-ambag sina Paul Asi Taulava at Stanley Pringle ng 11 at 10 puntos para sa Pilipinas.

Namuno si Tarek Aljabi para sa mga Syrian sa ginawang 23 puntos.

Read more...