SIGURADONG mas magiging mainit at intense ang showdown ng napiling Top 12 clashers sa pagpapatuloy ng labanan sa reality singing search ng GMA 7 na The Clash, hosted by Regine Velasquez.
Kamakailan ay humarap sa entertainment press ang 11 finalists (hindi nakarating ang isa pang contestant dahil may sakit) at talagang pinabilib nila ang lahat ng nasa mediacon sa kanilang performance.
In fairness, wala kang itulak-kabigin sa Top 12 Clashers dahil ang gagaling nilang lahat!
Siguradong mas pahihirapan pa ang mga judges na sina Asia’s Nightingale Lani Misalucha, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista and Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas sa pagpili kung sino sa kanila ang karapat-dapat na maging first ever The Clash champion.
Representing Luzon are Anthony Rosaldo, ang Matinik na Heartthrob ng Valenzuela, Mirriam Manalo, ang Fierce Diva ng Pampanga, Melbelline Caluag, ang Belter Babe ng Bulacan at Garrett Bolden, the Power of Tower ng Olongapo.
Hindi naman magpapatalo ang mga taga-Visayas na sina Kyryll Ugdiman, ang Millennial Chick ng Iloilo, Lyra Micolob, Soul Sistah ng Davao, Esterlina Olmedo, ang Mommy Tiger ng Cebu, Danielle Ozaraga, ang Sultry Biritera ng Cebu, at Golden Cañedo, the Golden Voice of Cebu.
Ang mga finalists namang nagmula sa Mindanao ay sina Jong Madaliday, ang Trending R&B Star ng North Cotabato at Josh Adornado, ang Cute Crooner of Cagayan de Oro. Ang international clasher namang si Mika Gorospe, the Singing Sweetheart of USA ay pasok na rin sa ikalawang bahagi ng laban.
Now that they are close to the finals, Asia’s Songbird and Clash Master Regine Velasquez reminds the clashers to always put their hearts into their performances as the challenges become more extreme.
“Sa akin, they should take care of themselves and always choose a good song. And you know while they are here, I want them to put their hearts in every performance they do kasi that’s what’s going to make them stand out,” pahayag ng Songbird.
Ang tatanghaling grand winner ng The Clash ay makakatanggap ng exclusive management contract mla sa GMA Network at mag-uuwi ng P1 million pesos cash, a brand new car at house and lot mula sa Bria.
Simula ngayong weekend (Saturday after Pepito Manaloto and every Sunday after Daig Kayo Ng Lola Ko) asahan ang mas matitindi pang pasabog ng Top 12 Clashers at kung sinu-sino ang unang matatanggal sa ikalawang round ng sagupaan.
Samantala, itinuturing naman ng halos lahat ng napiling finalists ang Mommy Tiger ng Cebu na si Esterlina bilang “big threat” sa pagpapatuloy nila sa labanan. Bilib na bilib daw kasi sila sa vocal prowess ni Mommy Esterlina na kahit 50 years old na ay bonggang-bongga pa rin ang pagiging biritera.
Sa katunayan, napakalakas ng palakpak na ibinigay sa kanya sa presscon ng The Clash, ibig sabihin mukhang delikado nga ang 11 pang clashers sa round 2.