TINANGHAL na Ultimate Asian Sweetheart of 2018 ang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza base sa resulta ng isinagawang on-line poll!
Pinataob ng Phenomenal Star mahigit 120 celebrities mula sa Asya dahil humamig siya ng 1,485,312 votes sa semi-finals at sa final voting nakakuha naman siya ng 757,430 votes mula sa Facebook, Twitter, Instagram at website ng Starmometer.com.
Pumangalawa kay Meng si Urasay Superbund ng Thailand na may 401,867 votes sa finals.
Pangatlo ang Bollywood actress na si Sanaya Irani ng India.
Nasa pang-apat na puwesto si Jennie Kim ng South Korea habang panlima naman si Shen Yue ng China.
Pagdating talaga sa social media, halimaw ang fans ni Maine, huh!
MOST READ
LATEST STORIES