Alden: Bigyan natin ng chance before we judge!

ALDEN RICHARDS

NAGPAPASALAMAT ang Pambansang Bae na si Alden Richards sa lahat ng mga fans na patuloy na sumusuporta sa kanya sa kabila ng mga paninira at panlalait sa kanya at sa bago niyang teleserye, ang Victor Magtanggol.

Happy siya nang malamang tumahimik na ang ilan sa mga detractors nila na walang ginawa kundi ang hanapan sila ng kanegahan.

“Nakakatuwa po kasi na na-appreciate ng mga namba-bash before ‘yung Victor Magtanggol. That’s a real test na dapat binibigyan natin ng chance before we judge,” ani Alden sa presscon ng kanyang “Adrenaline Rush” concert kamakailan.

Sa halip na pansinin ang mga bashers at haters, mas naka-focus si Alden sa mga positibong komento tungkol sa VM.

“‘Yun po ‘yung nangyari sa Victor Magtanggol na pinanood nila. Kasi below na po agad ‘yung comments eh, that’s what happened po. But later on, bigla pong gumanda ‘yung feedback and that’s what really matters to us,” chika pa ng binata.

Basta para kay Alden, mas mahalaga pa rin na nabibigyan nila ng kasiyahan ang mga manonood at ginagawa nila ang lahat para mas mapaganda pa ang Victor Magtanggol na napapanood gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Ang “Adrenaline Rush” concert ng Pambansang Bae ay magaganap sa Sept. 21, 8 p.m. sa Kia Theatre, produced by GMA Records, directed by GB Sampedro, with musical direction by Marc Lopez.

Ticket prices are available at P4,780 for VIP (with free album), P3,880 for Platinum, P2,780 for Gold and P1,780 for Silver via TicketNet.

Read more...