Jay Sonza, Martin Andanar na-fake news; Mocha Uson tuloy ang ligaya

“MANIGAS kayo!”

Wari’y ito ang mensahe ng PCOO ASec pa ring si Mocha Uson sa kanyang mga bashers—her co-workers included —sa mahigpit pa rin niyang pagkakakapit sa kanyang puwesto.

Ironic dahil sa kabila ng kanyang pagmamatigas ay ang mga ito pa ang gusto niyang sabihan
ng “manigas kayo.”

Unconfirmed though, balitang DOLE ang sasalo kay Mocha should she leave her post, kasabay ng tsikang Jay Sonza will replace her immediate superior, si Martin Andanar.

Tough luck kay Jay. Fake news lang pala ang balitang he’ll succeed Martin.

Lumutang kasi ang pagkakatalaga raw kay Jay who’s a friend daw to Davao City Mayor Sara Duterte. Pangalawang pagtuturo na ito sa presidential daughter after her participation kuno sa pagiging Speaker ng Congress. Kapwa itinanggi ni Mayor Sara na meron siyang kinalaman sa parehong kaso.

On Martin’s taking a bow out of PCOO, mismong si SAP Bong Go—who’s privy to the appointments of government officials—na ang nagbansag na isang maliwanag na pekeng balita ito.

Huwag sanang masamain ni Martin ang aming sasabihin of his agency as regards to fake news na bumiktima sa kanya (although he stated: I serve at the pleasure of the President).

Kadikit na kasi ni Mocha ang phrase na ito way before nalagay siya sa alanganin with her federalism info campaign on video. Kaya bakit si Martin ang magsisilbing sacrificial lamb, at hindi si Mocha?

This may be of general interest to our readers. Nakalap namin ang tungkulin ng PCOO sa pakikipagtulungan kay Pangulong Digong: “It serves as the premier arm of the excecutive branch in engaging and involving the citizenry and the mass media in order to enrich the quality of public discourse on all matters of public governance to build a national consensus.”

Kayo na ang bahala kung naa-achieve ito ni Martin Andanar and the staff under him.

q q q

Minsan nang to the rescue si Sharon Cuneta sa kanyang mister na si Sen. Kiko Pangilinan.

Certain that her husband is no crook ay handa niya itong ipamukha sa kahit kanino.

May panalangin lang kami, hindi para sa Megastar kundi sa mambabatas. Kiko has to prove to all and sundry his innocence in the wake ng mga paratang sa kanya—isama na ang mga kaalyado noon sa ilalim ng PNoy administration—with regard to his alleged involvement in the DAP (Disbursement Acceleration Program (DAP) scam.

Dahil kasi sa pag-alis ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, nagsimula nang maglutangan ang mga umano’y alingasngas kung saan nauwi ang kinukuwestiyong P150 billion based on the reports by COA.

Pati ang noo’y hindi pa Senador na si Joel Villanueva ng TESDA ay pinagpapaliwanag sa pondong napunta sa dating pinamumunuang tanggapan.

On Kiko’s shoulders rest kung paano niya makukumbinsi ang publiko na hindi siya umano nakinabang sa nasabing halaga.

Medyo mahirap din ang kalagayan ni Sharon being the wife. Alam naman kasi natin how clean she lives and has lived her life, pagkatapos ay mga ganitong isyung kinakaharap si Kiko.

Read more...