Karamihan sa marijuana ay nasamsam nang salakayin ng mga pulis at tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang plantasyon sa Brgys. Buscalan at Butbut Proper ng Tinglayan, nitong Miyerkules at Huwebes, ayon sa ulat ng Cordillera regional police.
Umabot sa 45,500 fully grown marijuana at 20,000 gramo ng stalks, na may kabuuang halaga na P11.6 milyon, ang natagpuan sa 7,150-square meter na plantasyon sa naturang lugar.
Noon ding Miyerkules, naaresto ng mga pulis at tauha ng PDEA si Emmanuel Tadios, 53, sa raid sa kanyang bahay sa City Camp Central, Baguio City.
Natagpuan sa bahay ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu, isang sachet ng marijuana, at sari-saring drug paraphernalia.
Nitong Huwebes, inaresto ng mga operatiba sina Anthony Dipasupil at Grace Sibog nang makuhaan sila ng P126,250 halaga ng marijuana at 25 sachet ng hinihinalang shabu, sa Avelino st., Brgy. Andres Bonifacio, Baguio.