Horoscope, August 31, 2018 | Bandera

Horoscope, August 31, 2018

Madam Sophia |August 31,2018
facebook
share this

Horoscope, August 31, 2018

Madam Sophia - August 31, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Lingid sa iyong kaalaman, maraming humahanga sa iyo. Sa mga kaibigan manggagaling ang malaking halaga ng salapi. Sa pag-ibig, pinagnanasaan ka ng isang payat na kayumanggi. Mapalad ang 4, 7, 15, 26, 36, at 45, Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhar-Masya-Om.” Green at gold ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Matutuklasan mo ang pagkakaiba ng mga bigo at tagumpay. Ang mga bigo ay kuntento na habang ang mga tagumpay ay patuloy na nanghahangad. Tularan mo ang huli, anuman ang mapasaiyo kailangang doblehin at paramihin mo pa ito. Mapalad ang 1, 18, 27, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Susuwertehin ka kung hahawiin ang buhok na nakalugay sa harapan ng iyong noo. Kailangang mailantad ang buong hugis ng iyong mukha upang mas madaling maakit ang magandang kapalaran sa pag-ibig at pagkakaperahan. Mapalad ang 6, 9, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum.” Pink at lilac ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Kung ano ang nagagawa nila, isipin mong kaya mo ring gawin. Kung sila ay yumaman, yayaman ka rin. Kung sila ay may maligayang pamilya, magagawa mo rin. Tiwala lang sa sarili ang dapat. Tuwing gabi hanggang sa makatulugan bigkasin ang mahiwagang mantra: “Kaya ko ‘to, yayaman din ako.” Mapalad ang 7, 18, 29, 32, 37 at 46. Blue at beige ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Mawawala ang pangamba kung lagi magsasama sa isang Capricorn at Scorpio. Sa pag-ibig, isang Scorpio ang magpapaligaya sa iyo. Sa pinansyal, isang Capricorn ang magaabot sa iyo ng malaking halaga ng salapi. Mapalad ang 8, 15, 26, 34, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Veda-Aum-Puranha.” Green at orange ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Wag kang matakot, ituloy mo lang ang dati mo ng mga binabalak, tiyak na mapapasaiyo ang malaking tagumpay. Sa pag-ibig, muling iinit ang pakikipag-relasyon sa isang Aries. Sa pinansyal, makakatagpo ka ng napakalaking pagkakakitaan na masasabi mo sa iyong sariling “Bakit ba, ngayon ko lang ito natuklasan!” Mapalad ang 4, 8, 32, 42, 27 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna.” Orange at pink ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — May mang-aabala na naman. Tatawagin ka sa isang pagtitipong pampolitika. Puwede kang sumama dahil sa nasabing meeting maaari kang magkapera. Sa pag-ibig, sa iyong pagbabalik, uwian ang kasuyo ng pansit canton. Mapalad ang 7, 14, 25, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mamu-Om.” Green at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Hindi mo dapat na maliitin ang sarili mong kakayahan. Oo sa kasalukuyang sitwasyon ay marami ka pang dakila at malalaking bagay na magagawa. Sa pag-ibig, napakasarap magmahal kaya wag na wag mong hahadlangan ang tinitibok ng iyong puso. Sa pinansyal, hindi sapat ang maliit na bayad, maningil ka nang mas malaking halaga upang mas madali kang yumaman. Mapalad ang 5, 18, 23, 32, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Om.” Blue at gray ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Kung noong ay ikaw ay nangungutang, darating ang panahong ikaw ang magpapautang. Kung noon ay ikaw ay parang kaawa-awa, darating ang panahong sila naman ang magiging kaawa-awa sa iyong paningin. Habang patuloy kang nagpapakabuti, sa salapi at sa larangan ng pag-ibig patuloy kang pagpapalain ng langit. Mapalad ang 3, 8, 18, 27, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bis-Vivit-Qui-Benit.” Red at pink ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Tuloy-tuloy na darating ang iyong suwerte, lalo na sa pinansyal at sa larangan ng salapi. Ito ang panahon na ikaw ay dapat mag-ipon upang tuloy-tuloy ka na ring sumagana at yumaman. Mapalad ang 6, 15, 27, 33, 42 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Dosya-Om.” Red at maroon ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Wag kang masyadong tumutok sa trabaho, i-enjoy mo naman ang buhay. Gawin ang isang bagay na matagal mo nang binabalak gawin na alam mong magpapaligaya sa iyo. Tandaang mo na, “Ang lahat ay lilipas din.” Mapalad ang 8, 17, 26, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong manrta: “Babanam-Ke-Balam.” White at violet ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Hangal! Hindi mo na maibabalik pa ang nakaraan. Panahon na ngayon upang mag move on. Bagong karelasyon ang dapat. Sa negosyo, bagong kalakal ang dapat simulan upang mas mabilis kang umunlad at yumaman. Mapalad ang 1, 19, 28, 33, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Nahmeh-Aum.” Green at pink ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Isang matandang babae na mahaba ang buhok ang dapat tulungan. Kapag nagawa mo ‘yan, magugulat ka, kahit hindi mo gusto, susuwertehin ka sa lahat ng bagay lalo na sa pag-ibig at pagkakaperahan. Mapalad ang 7, 9, 22, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Deva-Om.” Yellow at red ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending