Members ng press napanganga sa finalists ng The Clash

THE CLASH GRAND FINALISTS: ANTHONY, DANIELLE, ESTERLINA, GARRETT, GOLDEN, JOSH, KYRYLL, LYRA, MELBELLINE, MIKA AT MIRRIAM

NAPANGANGA na lang ang members ng entertainment press nang marinig ang bosesan ng 11 grand finalists ng Kapuso reality singing search na The Clash.

Sa totoo lang, 12 lahat ang grand finalists ng The Clash na nakatakdang magbakbakan sa titulo bilang unang winner ng singing search pero may sakit ang isa kaya hindi napakinggan ang boses nito noong humarap ang Top 12 sa media last Wednesday.

Ang tinaguriang Mommy Tiger ng Cebu na si Esterlina Olmedo ang kinagiliwan ng press. Imagine, sa edad niyang 50, kaya pa niyang makipagbiritan sa mga kalaban na mas bata sa kanya, huh!

May nabuntis naman habang on-going ang contest, si Mirriam Manalo na tinaguriang Fierce Diva ng Pampanga.

Para hindi maapektuhan ang magiging baby dahil sa stress na dala ng contest, may mga gamot siyang iniimon nang sa ganoon eh, maayos na ring lumabas ang bata.

Ang iba pang panlaban ng Luzon ay sina Anthony Ronado (Matinik na Heartthrob ng Valenzuela); Mellbeline Caluag (Belter Babe ng Bulacan); at Garrett Bolden, (Tower of Power ng Olongapo).

Ang pambato naman ng mga taga-Visayas ay sina Kyryll Ugdiman (Millenial Chick ng Iloilo); Lyra Micoob, (Soul Sistah ng Davao); Danielle Ozaraga (Sultry Biritera ng Cebu); at Golden Canedo (Golden Girl ng Cebu).

Mula naman sa Mindanao sina Jong Madaliday (Trending R&B Star ng North Cotabato); at Josh Adornado (Cute Crooner ng Cagayan de Oro City).

Mula naman sa San Francisco, California si Mika Gorospe ang Singing Sweethart ng USA.

Kung sumakit ang ulo ng judges sa sina Lani Misalucha, Christian Bautista at Ai Ai delas Alas sa pagpili ng Top 12 Clashers, baka migraine na ang umatake sa kanila sa final night, huh!

Napapanood ang The Clash tuwing Sabado after ng Pepito Manaloto at Linggo pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

READ NEXT
Staying awake
Read more...