Nanay ng kilalang young actress bad trip sa dyowang aktor ng anak

Isang van ang gamit palagi ng rumoured young couple kapag pumupunta sila na magkasama sa showbiz event.

Pero hindi sa guy ang van na gamit kungdi sa girl, huh!

‘Yun nga lang, hindi nagsasabay ang dalawa sa pagbaba at pagsakay pauwi. Una munang bumababa ang young actor at saka susunod ang young actress.

Kapag uwian na, nakasakay na sa van ang young actress bago sumakay ang young actor.

Eh, kung tutuusin, di hamak na mas malaki ang kita sa showbiz ng babae kesa sa lalaki, huh! Kaya siguro ang ina ng girl eh, buwisit na buwisit na sa dyowa ng anak!

Read more...