Du30 tiwala pa rin kay Pinol

SINABI ng Palasyo na nananatili pa rin  ang tiwala ni Pangulong Duterte kay Agriculture Secretary Manny Pinol sa harap naman ng mga panawagan na siya ay magbitiw na matapos ang kontrobersiya kaugnay ng bukbok sa tinatayang 100,000 sako ng NFA rice at rice shortage sa Zamboanga City.

“Unless fires yes,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque nang tanungin kung may kumpiyansa pa rin si Duterte kay Pinol.

Nauna nang nabatikos si Pinol at ang pamunuan ng National Food Authority (NFA) sa kanilang pahayag na ligtas kainin ang bigas na may bukbok.

Nararamdaman din ang kakulangan ng bigas sa Zamboanga.

Napulaan din si Pinol sa pahayag na dapat nang gawing ligal ang mga smuggled na bigas.

Naghugas-kamay naman si Pinol sa isyu ng maling palakad ng NFA sa pagsasabing hindi niya sakop ang pamamalakad sa NFA.

Read more...