MARAMING um-agree at sumuporta sa hugot ni Iñigo Pascual tungkol sa pagdami ng mga streetchildren sa iba’t ibang bahagi ng bansa na pinabayaan na ng kanilang mga magulang.
Ayon sa anak ni Piolo Pascual hindi niya maipaliwanag kung bakit napakaraming iresponsableng magulang na mag-aanak nang mag-aanak pero hindi naman nila magawang palakihin ng maayos at marangal.
Narito ang matinding patama ni Iñigo sa lahat ng mga pabaya at iresponsableng ama’t ina, “I’m so done seeing kids asking for money from people in cars. Kids are meant to have a childhood. They deserve to play and learn life.”
Hirit pa niya, “Wag mag anak kung hindi maalagaan. Hindi nila kasalanan na hindi kaya ng magulang nilang suportahan sila.”
Dagdag pa ng Kapamilya singer-actor hindi dapat isisi sa gobyerno ang lahat ng problema sa kahirapan. Aniya, “Oo corrupt ang gobyerno natin! Lahat naman ng bansa may sari-sariling pagkukulang. Pero ‘di ibig sabihin na yun lang ang rason kung bakit naghihirap. Laging pwedeng merong gawin. At laging isipin ang mga bata ay karapatan para maging bata.”