“Effective this morning, I directed all the regional directors ng (of the) regional area to declare a full alert status already… Dito sa Metro Manila (Here in Metro Manila), we will be on heightened alert,” sabi ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde.
“Eto ‘yung tugon hangga’t hindi matapos yung Martial Law doon .… We will maintain full alert status in Mindanao,” dagdag ni Albayalde.
Sa ilalim ng full alert status, bawal mag-leave at mag-day-off ang mga pulis, at daragdagan din ang mga checkpoint.
Tiniyak ni Albayalde na sapat ang mga tropa ng gobyerno sa Mindanao, sa pakikipag-ugnayan sa Special Action Force at Armed Forces of the Philippines.
Sinabi pa ni Albayalde na nakakatanggap ng mga bomb threat at mga lokal na otoridad, bagamat hindi naman tukoy kung saan ito isasagawa.
Ani Albayalde patuloy ang isinagasagawang imbestigasyon.