Jackpot sa Ultra Lotto aabot na ng P450M

 POSIBLENG umabot na sa P450 milyon ang jackpot prize  sa Ultra Lotto 6/58 matapos na hindi ito matamaan sa bola Martes ng gabi.

Sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)?na walang tumaya sa winning number combination na 28-29-08-40-33-04.

Inaasahang lalagpas na sa P450 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto sa Biyernes.

Nanalo naman ng tig-P91,990 ang 38 mananaya na nakakuha ng limang lumabas na numero.

Tig-P1,070 naman ang 2,608 mananaya na nakaapat na numero at nanalo ng tig-P20 ang 55,678 mananaya na nakatatlong numero.

Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Read more...