DEAR Ateng Beth,
Magandang araw po. Tulungan po ninyo ako. May anim na taon na po akong hiwalay sa asawa ko. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makarecover sa nangyari sa amin.
Naiinggit ako sa mga kapatid ko na puro maayos ang pamilya nila. Kaya nga po tuwing may mga family gatherings hindi na ako sumasama dahil nahihiya ako kasi ako lang ang walang asawa. Naawa ako sa mga anak ko. Sila lang ang walang tatay.
Gusto naman pong bumalik ng mister ko, pero ayaw ko din kasi nga, may iba na siyang pamilya. Pero sa totoo lang, mahal ko pa siya, at mahal pa raw niya ako. Anong gagawin ko? Help me naman. Thanks.
– Elaine, Albay
Pasintabi lang, Elaine ha, pero juiceko naman, six years yung sinayang mo sa hindi pakikipag-relasyon sa mga kamag-anak mo dahil lang sa nahihiya ka nawala kang kasamang mister?
Hello, wala kang dapat ikahiya roon. Unang-una, mapalad ka dahil nakakawala ka sa mister mo na babaero.
Yung ibang babae hanggang ngayon problemado sa mga palikero nilang mister.
May mister ka nga, kumakaliwa naman, e, anong ganda non?
Isa pa, Elaine, hindi lang ikawa ang babae sa Pilipinas os Albay na may mga anak na walang asawa, no?
Pero marami sa kanila ang tagumpay sa kanilang buhay at masaya!
Sa pag iwas mo sa mga perfect mong kamag-anak, gumanda ba pakiramdam mo? For sure hindi, lalo lang itong naging miserable, right?
Umayos ba pamilya mo sa hindi pakikipag-ugnayan sa kanila? Naresolba ba kawalan ng ama ng mga anak mo?
On the other hand, you denied yourself the chance na matulungan ng pamilya mo emotionally. Na-deny mo ang mga anak mo na makakita ng father image sa mga tiyo at lalaking kamag anak nila. Halerrr!
It takes a village to raise up a child, ever heard of it?!
Ikaw lang walang asawa sa mga gathering? Mas gusto mo bang may kasama kang asawa sa mga family gatherings na may asawa pang iba?
Gustong bumalik ng asawa mo? E, di tanggapin mo, tutal mas mahalaga naman sa yo yung image na may asawa ka at may tatay ang mga anak mo kesa sa katotohanang niloloko niya ang dalawang babae sa buhay niya dahil hinahayaan ninyo.
Balikan mo para may maisama ka na sa mga family gatherings at may mapakilalang tatay ang mga anak mo tutal for six long years yun naman ang obsession mo, di ba?
Mahal ka niya? So bakit di niya maiwan yung isa? Mahal mo sya? E, yung sarili mo mahal mo? Nirerespeto mo?
Move on na ‘teh. Kesa maawa ka sa sarili mo dahil imperfect ang pamilya mo sana ginamit mo na yung panahon na yun para mapabuti ang sarili mo, maturuan ang mga anak mo ng leksyon sa broken family ninyo at marekindle ang relasyon mo sa mga kapamilya at kapatid mong me mga perfect family na OA na kinaiinggitan mo!