Team Pilipinas binigo ang Japan

JAKARTA —Tinambakan ng Team Pilipinas ang Japan, 113-80, sa pagsisimula ng classification round para sa ika-5 hanggang ika-8 puwesto sa men’s basketball tournament ng 18th Asian Games kagabi dito sa Gelora Bung Karno Hall.
Bagaman bigo ang Pilipinas na makapasok sa medal round ay nakasisiguro naman ang bansa na mahihigitan nito ang 7th place finish sa huling Asian Games sa Incheon, South Korea noong 2014.
Makakasagupa ng Team Pilipinas sa Biernes ang mananalo sa laban sa paitan ng Syria at Indonesia para sa ikalimang puwesto.
Kahapon ay napanatili ng Japan na dikitan ang laban sa unang dalawang quarters pero sa third period ay nagpakawala ng 18-0 rally ang mga Pinoy para palobohin sa 21 puntos ang kanilang kalamangan kontra Japan.
Si Christian Standhardinger ay kumulekta ng 27 puntos at 13 rebounds para sa Pilipinas habang si Jordan Clarkson ay nagdagdag ng 22 puntos, anim na rebounds at siyam na assists.

Read more...