Morissette nagprisintang maging flower girl sa wedding nina Sarah G. at Matteo

NAGPRISINTA si Morissette Amon na maging part ng entourage sa wedding ni Sarah Geronimo at ng boyfriend nitong si Matteo Guidicelli.

Isa si Morissette sa mga certified Popsters na matutuwa kapag nag-propose na raw si Matteo kay Sarah G..

“Pwede po bang ako ang mag-flower girl,” pahayag ng Kapamilya singer sabay tawa ni Morissette.

May nagsasabi rin na once mag-asawa na si Sarah, siya na raw ang papalit sa tronong iiwan ng Popstar Royalty.

“Ay, naku,” gulat na sagot ni Morisette. “Actually, Sarah Geronimo is Sarah Geronimo. Kahit ano’ng mangyari. Parang ganu’n din po ako Morissette is Morissette. Ha-hahaha! Oo, kasi own path ko rin po ‘yun. We have our individual personalities, kanya-kanyang journey po.”

Hindi raw mababakante ang trono ni Sarah dahil forever nang nandu’n ang girlfriend ni Matteo and she’s hoping na hindi iiwan ni Sarah ang showbiz kahit na ikasal na siya.

Tungkol naman sa kanyang lovelife, walang boyfriend si Morissette ngayon. Pero payag naman daw ang parents niya na magkaroon siya ng boyfriend. Kaya malayo pa sa isip ng dalaga ang mag-asawa.

Nakausap namin siya kamakailan sa media conference ng nalalapit na concert nila ng Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha titled “A Lani Morisette—Musical Journey” on Sept. 22 and 23 sa The Theater At Solaire which is known for being a champion of Filipino artists.

“I think he wanted to show how different but at the same time how similar din po ‘yung mga journey namin ni Miss Lani in a way na parang iba-iba kami nang pinagdaanan.

“‘Yung journey namain as a singer. But uh, it somehow meets na hindi naman masyadong close,” pagri-reveal ni Morissette tungkol sa magaganap na concert nila ni Lani.

q q q

Kung si Lani ay binansagan na Asia’s Nightingale, si Morissette naman ay binigyan ng titulo bilang Asia’s Phoenix.

“Parang doon po yata na-inspire ‘yung mga viewers nu’ng time na ‘yun na nalaman nila na may concert kami ni Miss Lani,” banggit ni Morissette.

Ka-level na niya ngayon ang mga may titulo ring “ibon” sina Lani at ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez, huh!

“Nakakakilig po, kasi siyempre, ‘yan the likes of Miss Regs, Miss Lani, ‘yun ‘yung mga idol ko ever since, e. And just to be able to be in the same line with them, pangalan man lang ng ibon, nasa Asia rin. Ha-hahaha! So, parang sobrang, I’m very, very grateful”

Lastly, malungkot naman na nabanggit ni Morissette na hindi muna siya mapapanood sa ASAP kasama sina Jona, Klarisse de Guzman at Angeline Quinto para sa portion nila ng Birit Queens.

“I think ipinahinga muna po ng ASAP. Although, very grateful kami sa lahat ng nangyari. Pero, nagtanong din kami sa mga una sa amin.

“Sabi namin, ‘Bakit ganoon? Nawala ‘yung segment namin? E, sabi naman nila, lahat naman din talaga ng segment parang, they have a season din. But hopefully, maibalik din ‘yung segment namin. Kasi iba rin po ‘yung naging samahan naming apat,” lahad pa ng dalaga.

Bihira na raw silang magkita-kitang apat dahil may kanya-kanya rin silang career sa pagkanta. Actually, halos hindi na rin daw nakakapag-ASAP si Morissette dahil madalas siyang mag-concert in and out of the country.

Read more...