Pagtambay ni Richard Yap sa ‘kanto’ ikinakilig ng mga fans

“TAMBAY lang sa kanto.”

‘Yan ang caption ni Richard Yap sa kanyang photo na kinakiligan ng fans.

“I bet all the ladies will flock in the ‘kanto’ if all the tambays are just like this. Ladies of all ages and sizes.”

“Wow!! ang gwapo namang tambay sa kanto sana makakita ako ng kasing gwapo mo dito sa Dubai na nakatambay din sa kanto.”

“Ang nag iisang actor na nagpapakilig sa puso ko. Hahahahaha! Thank you @iamrichardyap for spreading kilig and good vibes. Sabi ng asawa ko naloloka na raw ako sayo sa kakapanood ng mga soap n’yo ni Jodi sa YouTube na totoo naman talaga.”

At his age, talagang hot pa rin ang bida ng Sana Dalawa Ang Puso dahil marami pa rin ang nababaliw sa kanya.

Anyway, nagselos ang Martin character ni Richard kay Leo dahil nakita niya itong kasama si Mona (Jodi Sta. Maria) sa Sana Dalawa Ang Puso.

Read more...