MARAMI palang bersiyon ang pagiging kuripot ng isang nagkakaedad nang guwapong aktor.
Iba-iba. Hindi siya nakikipag-share kapag may binibiling food ang mga artistang magkakasama sa taping.
Nakikikain siya, pero hindi siya nagbibigay sa patak-patak, ganu’n siya kakuring ayon sa kanyang mga katrabaho.
Pero hindi lang sa linya ng trabaho siya nagpapairal ng pagiging kuripot, maging sa kanilang bahay ay ganu’n din siya, hari ng kakuriputan.
Kuwento ng isang source na matagal na nakasama ng guwapo pa ring aktor sa kabila ng kanyang pagkakaedad, “Kapag nagpunta ka sa house nila nang oras ng lunch, hindi ka niya yayayaing kumain. Kasi raw, e, hindi naman kasahog sa inilutong pagkain ng kasambahay nila ang dumating na visitor.
“Ganu’n ang panuntunan niya sa buhay. Kailangang may pasabi ka muna bago ka dumating sa bahay nila, para maisahog ka sa lulutuin. Parang American style, di ba?
“Nakuha na niya ang ganu’ng atake, kapag hindi ka kasali sa inilutong food, hindi ka puwedeng kumain.
“So, kung pupunta ka du’n sa house niya bukas nang lunch time, kailangang alam niya ‘yun, para mapadagdagan niya ang lulutuing food,” simulang chika ng aming impormante.
Kahit nu’ng binata pa ang guwapong aktor na ito ay makuwenta na siya sa lahat ng pagkakataon. Walang kapa-kapatid sa kanya, lahat ay katalo, sinisingil niya ang mga kapatid niya kapag lumalabas sila.
“Kunwari, nag-bar sila, kailangang share-share sila sa gastos. Siya ang kumikita, ha? Siya ang mapera, pero hindi puwede ‘yun sa kanya.
“Kailangang hati-hati sila sa gastos, hindi siya lang ang magbabayad, kailangang hindi lang bulsa niya ang masasaktan.
“Para siyang accountant. Mahilig siyang mag-compute. Sabi mismo ng mga kapatid niya, e, meron siyang kakambal na calculator nu’ng ipanganak siya.
“‘Yun din ang isa sa mga hindi nagustuhan sa kanya ng ex wife niya, magaling siyang maghakot ng mga goods sa house nila para dalhin sa bahay ng parents niya kapag dumadalaw siya.
“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, may aagaw pa ba naman sa kanyang trono? May iba pa ba?