‘Crazy Rich Asians’ nangwasak ng record

SA loob lang ng limang araw kumita na ng P82.7 million ang “Crazy Rich Asians”, ito’y ayon na rin sa producer ng pelikula na Warner Bros. Pictures.

Ang nasabing Hollywood na ibinase sa worldwide bestselling novel ni Kevin Kwan ay nagmarka sa Philippine box-office dahil na naging number one agad sa opening day pa lang nito.

The movie broke two box-office records, namely the All-Time Biggest Opening Weekend for a Foreign Romantic Comedy (natalo ang 2002 movie Maid In Manhattan with P24 million), and the Biggest Opening of the Year for a Warner Bros. Title (tinalo ang The Meg with P63.4 million).

Dalawang Pinoy ang kabilang sa cast ng “Crazy Rich Asians”, sina Kris Aquino bilang si Princess Intan at ang US-based Pinoy comedian na si Nico Santos na gumaganap bilang sosyal na fashion designer na si Oliver.

Read more...